Hanapan ang Blog na Ito

Lunes, Hulyo 11, 2011

COLEGIO..... unang araw ko...

     I Like this quote I dislike this quote

“To be a freshman is to be in possession of a wonderful thing: time. There is time to figure out what you want to do with your life, time to figure out what classes you want to take, what books you want to read. There is time to make friends.



Sumakay ako sa jeep. Binaybay ko ang kahabaan ng kalsada mula sa bahay patungo sa napakalwak na lungsod ng Dagupan. Byahe pa lang, nakaka stress na.Didikit sa pagmumukha mo ang alikabok, usok at kung anu-ano pang polusyon na magme-make up sayo sa daan. Sa jeep naman! Ahy naku sobrang siksikan. Parang pati bubong eh gustong lagyan ng Langhiyang drayber. Halos magusto ang aking fashion statement. 


Pagdating ko sa aming school, para akong bulag na ngangapa sa dilim,. Di ko alam kung saan ako dadalhin ng aking paa. Sabi ko tuloy sa isip ko, ahy bahala na... Nahihirapan ako kasi wala akong kakilala. Nang makita ko si manong Guard dun ko napagpasyahang magtanong sakanya. Aysus! Sa kabilang bulding pala ang una kong klase. Graveee... Kelangan ko pang tumawid at maglakad ng super layo para lang makapasok sa first sabjek kong PSYCHOLOGY.  Tas hayun Inakyat ko ang 4th floor. Feeling ko, nagsilabasan na ang lahat ng aking mga ugat sa legs pati sa aking binti. Hmp Ang Sapatos ko naman, halos masira at maalis ang talampakan dahil sa bonggang mountain Climbing sa aming paaralan.
PAgpasok ko sa kwarto namin, hayun maraming bagong mukha akong nakita. May mukhang matapang, may mga mukhang mababait, may mga mukhang komikero at komikera. Meron din naman yung talagang mga simple lang. Well... Ganun talaga. New faces.. New attitudes, new pakikisama


Unang araw ko sa kolehiyo. Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko. Talagang kabado sa araw na ito. Para akong nauubusan ng mga salita sa twing kakausapin ako ng aking mga bagong nakakasalamuha. Pinilit kong i boost ang aking confidence. I tried and tried and tried,,, tas hayun. After a few moments, natutunan ko ring makipag usap sakanila. 


Para bang, kumbaga eh, back to Zero ulit. Yung tipong kelangan mo ulit mag invest ng trust sa mga kakaklse mong ito. Kasi naniniwala ako na, pag pina iral ko ang pagiging loner ko, sigurado ako, mabibigyan ako ng Kumikinang na Titulong BIGGEST LOSER. haha. Kidding aside, marami rin akong naging kaibigan sa unang araw ko sa bagong paarlang pinasukan ko. Kahit mejo nahihirapan mag adjust, naging madali na ito nang makilala ko ang tunay nilang pagkatao.


May komikero, may tahimik, pero pag bumanat sobrang nakaka kabag. Me mukhang studious, pero ewan ko lang hah. Atsaka andyan din yung mga talagang alam mong tunay... Tunay ang pagkatao. Pero hindi mo maalis ang isa pang uri ng pagkatunay. Yung mga taong tunay na PLASTIK. Well, ganun tlaga sa earth. Kahit mejo polluted sa room namin, in the sense that marami na ngang plastik eh ang sikip pa... Naging masaya naman.


Kaya heto ako, makikipaglaban na naman sa bagong CHALLENGE NI LIFE... Samahan niyo ako ha... Wag kayong bibitiw sa pagkaka-kapit sa akin, dahil sama-sama tayong iikot, gugulong,, at magpapadugo ng ilong haha....  


--- wala kasi akong magawa sa comp. lab eh. Sayang naman kung di ko magamit ang binayaran kong 1 thousand pesoses diba???? hahaha. Kaya hayun. parang impromptu kumbaga. walang draft2 effect

Biyernes, Hulyo 1, 2011

LOVE CYCLE

UmASa
MaSaktAn
BumAwI
UmASa Uli?
SusuBok
MabIbIgo
Mag-IinoM
iIyaK
maGmuMukMok
mANinIsI
MangANgako
MagbABaGo
TataKbo
MaPapAgod
BaBalik
aaSa
mAgBibigay
MasA2ktan
Mag-iiYak
Mag-iinom
NakaKASAWA NA BA?
Dahil Paulit-ulit,
Diba???

Kwarto: Ang aking Sanktwaryo

    Sa apat na sulok ng aking sanktwaryo, maraming bagay ang nagsisimula. Dito nag umpisa ang aking katauhan, katauhan na minsa'y hinahangaan at minsa'y kinasusuklaman. Dito sa aking kwarto, kung saan natuto akong maglabas ng sama ng loob ng walang nakakakita, tanging ang dingding, electric fan, cabinet at aking kama ang syang saksi sa aking mga kadramahan sa buhay. Pangalawa,Kiligin nang sagad hanggang sa buto dumarating yung point na sa twing umiibig ang aking tangang puso,Dito ako ngumingiti ng  walang hanggan. Diba, parang timang lang? Pangatlo, Umiyak para mawala ang lahat ng kalungkutan at kabiguan na syang nagbibigay sa aking mga mata ng masaganang luha, tumutulo ito para mawala ang bigat ng aking damdamin. PAng-apat, dito ko natutunan ang kapilyuhan. Sa twing kakagat ang dilim, at ako'y nag-iisa, maraming bagay ang pumapasok sa aking maruming isip na nagdudulot na utusan ang aking diwa para Gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dito ko rin natutunang tanggapin ang aking mga imperfections. Sa twing haharap ako sa salamin,may damit man o hubo't-hubad, nakikita ko ang aking repleksyon, repleksyon na hindi naman pangit, ngunit hindi rin gwapo. Yung tipong katamtaman at katanggap-tanggap sa lipunan.
    
    Ang aking kwarto ang syang aking dahilan kung bakit ako ganito. Dito ko nailalabas ang tunay na ako. Ako lang ang nakakita, ako lang ang nakakintindi at nakakaunawa.Alam ko naman na mahirap i-please ang lahat ng tao eh. Pangalawang mundo, kasunod ng paaralan. Ang privacy na ibinibigay nito ang pinaka-ugat kung bakit ko nagagawa at naiisip ang mga bagay-bagay na pumapasok sa aking magulong diwa.


    Dito ko naisasambulat at nailalahad ang aking mga nararamdaman. Dito ko naisusulat ang aking mga akdang minsa'y may kabuluhan, ngunit kadalasa'y "Wala lang."


    Sa Pagpasok mo sa blog na ito, parang napasok mo na rin ang aking kwarto, kaya ang maipambubungad ko, ay ang matamis kong ngiti, habang sinasabi ang mga katagang "WELCOME, TULOY PO KAYO."
    
    Tara, sabayan mo akong mangarap,mainspire, umibig, mag-aral at syempre matutong makipaglaban sa mga balakid sa buhay.Dagdagan natin ng kulay ang ating mundo. Samahan mo akong lumipad, lumipad sa kalawakan ng ating mga panag-inip at mga pangarap. Abutin natin ang mga bituin na ating hinahangad. Tuklasin natin ang nasa dulo ng bahaghari, at sabay nating halungkatin ang mga ginto na nakalagay dito.
tara, larga na!!!!

ANG SIMULA NG New Horizon

Heto ako. Naninibago sa pinasok kong mundo. Blog. Minsan ko na itong tinalikuran, ngunit dahil sa ito talaga ang aking kagustuhan, muli kong binalikan. Hilig ko ang magsulat... Sumulat, Sumulat,,, At sumulat. Wala man akong masyadong kaalaman ukol sa pag ba-blog, nangahas akong balikan ito. Bumalik dahil sa isang rason. Iyon ay kayo. Nais kong ipahayag sa inyo ang aking mga insights, thoughts, points, views and opinions. Hehe. Isali na rin natin ditto ang aking mga undying love stories. Corney diba?
                Pero sa pagbabalik kong ito, sana, muli tangkilikin ang aking blog. Sa aking muling pagsilip sa mundong ito, sana magtulungan tayo...