Sa apat na sulok ng aking sanktwaryo, maraming bagay ang nagsisimula. Dito nag umpisa ang aking katauhan, katauhan na minsa'y hinahangaan at minsa'y kinasusuklaman. Dito sa aking kwarto, kung saan natuto akong maglabas ng sama ng loob ng walang nakakakita, tanging ang dingding, electric fan, cabinet at aking kama ang syang saksi sa aking mga kadramahan sa buhay. Pangalawa,Kiligin nang sagad hanggang sa buto dumarating yung point na sa twing umiibig ang aking tangang puso,Dito ako ngumingiti ng walang hanggan. Diba, parang timang lang? Pangatlo, Umiyak para mawala ang lahat ng kalungkutan at kabiguan na syang nagbibigay sa aking mga mata ng masaganang luha, tumutulo ito para mawala ang bigat ng aking damdamin. PAng-apat, dito ko natutunan ang kapilyuhan. Sa twing kakagat ang dilim, at ako'y nag-iisa, maraming bagay ang pumapasok sa aking maruming isip na nagdudulot na utusan ang aking diwa para Gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dito ko rin natutunang tanggapin ang aking mga imperfections. Sa twing haharap ako sa salamin,may damit man o hubo't-hubad, nakikita ko ang aking repleksyon, repleksyon na hindi naman pangit, ngunit hindi rin gwapo. Yung tipong katamtaman at katanggap-tanggap sa lipunan.
Ang aking kwarto ang syang aking dahilan kung bakit ako ganito. Dito ko nailalabas ang tunay na ako. Ako lang ang nakakita, ako lang ang nakakintindi at nakakaunawa.Alam ko naman na mahirap i-please ang lahat ng tao eh. Pangalawang mundo, kasunod ng paaralan. Ang privacy na ibinibigay nito ang pinaka-ugat kung bakit ko nagagawa at naiisip ang mga bagay-bagay na pumapasok sa aking magulong diwa.
Dito ko naisasambulat at nailalahad ang aking mga nararamdaman. Dito ko naisusulat ang aking mga akdang minsa'y may kabuluhan, ngunit kadalasa'y "Wala lang."
Sa Pagpasok mo sa blog na ito, parang napasok mo na rin ang aking kwarto, kaya ang maipambubungad ko, ay ang matamis kong ngiti, habang sinasabi ang mga katagang "WELCOME, TULOY PO KAYO."
Tara, sabayan mo akong mangarap,mainspire, umibig, mag-aral at syempre matutong makipaglaban sa mga balakid sa buhay.Dagdagan natin ng kulay ang ating mundo. Samahan mo akong lumipad, lumipad sa kalawakan ng ating mga panag-inip at mga pangarap. Abutin natin ang mga bituin na ating hinahangad. Tuklasin natin ang nasa dulo ng bahaghari, at sabay nating halungkatin ang mga ginto na nakalagay dito.
tara, larga na!!!!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento