“To be a freshman is to be in possession of a wonderful thing: time. There is time to figure out what you want to do with your life, time to figure out what classes you want to take, what books you want to read. There is time to make friends. |
Sumakay ako sa jeep. Binaybay ko ang kahabaan ng kalsada mula sa bahay patungo sa napakalwak na lungsod ng Dagupan. Byahe pa lang, nakaka stress na.Didikit sa pagmumukha mo ang alikabok, usok at kung anu-ano pang polusyon na magme-make up sayo sa daan. Sa jeep naman! Ahy naku sobrang siksikan. Parang pati bubong eh gustong lagyan ng Langhiyang drayber. Halos magusto ang aking fashion statement.
Pagdating ko sa aming school, para akong bulag na ngangapa sa dilim,. Di ko alam kung saan ako dadalhin ng aking paa. Sabi ko tuloy sa isip ko, ahy bahala na... Nahihirapan ako kasi wala akong kakilala. Nang makita ko si manong Guard dun ko napagpasyahang magtanong sakanya. Aysus! Sa kabilang bulding pala ang una kong klase. Graveee... Kelangan ko pang tumawid at maglakad ng super layo para lang makapasok sa first sabjek kong PSYCHOLOGY. Tas hayun Inakyat ko ang 4th floor. Feeling ko, nagsilabasan na ang lahat ng aking mga ugat sa legs pati sa aking binti. Hmp Ang Sapatos ko naman, halos masira at maalis ang talampakan dahil sa bonggang mountain Climbing sa aming paaralan.
PAgpasok ko sa kwarto namin, hayun maraming bagong mukha akong nakita. May mukhang matapang, may mga mukhang mababait, may mga mukhang komikero at komikera. Meron din naman yung talagang mga simple lang. Well... Ganun talaga. New faces.. New attitudes, new pakikisama
Unang araw ko sa kolehiyo. Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko. Talagang kabado sa araw na ito. Para akong nauubusan ng mga salita sa twing kakausapin ako ng aking mga bagong nakakasalamuha. Pinilit kong i boost ang aking confidence. I tried and tried and tried,,, tas hayun. After a few moments, natutunan ko ring makipag usap sakanila.
Para bang, kumbaga eh, back to Zero ulit. Yung tipong kelangan mo ulit mag invest ng trust sa mga kakaklse mong ito. Kasi naniniwala ako na, pag pina iral ko ang pagiging loner ko, sigurado ako, mabibigyan ako ng Kumikinang na Titulong BIGGEST LOSER. haha. Kidding aside, marami rin akong naging kaibigan sa unang araw ko sa bagong paarlang pinasukan ko. Kahit mejo nahihirapan mag adjust, naging madali na ito nang makilala ko ang tunay nilang pagkatao.
May komikero, may tahimik, pero pag bumanat sobrang nakaka kabag. Me mukhang studious, pero ewan ko lang hah. Atsaka andyan din yung mga talagang alam mong tunay... Tunay ang pagkatao. Pero hindi mo maalis ang isa pang uri ng pagkatunay. Yung mga taong tunay na PLASTIK. Well, ganun tlaga sa earth. Kahit mejo polluted sa room namin, in the sense that marami na ngang plastik eh ang sikip pa... Naging masaya naman.
Kaya heto ako, makikipaglaban na naman sa bagong CHALLENGE NI LIFE... Samahan niyo ako ha... Wag kayong bibitiw sa pagkaka-kapit sa akin, dahil sama-sama tayong iikot, gugulong,, at magpapadugo ng ilong haha....
--- wala kasi akong magawa sa comp. lab eh. Sayang naman kung di ko magamit ang binayaran kong 1 thousand pesoses diba???? hahaha. Kaya hayun. parang impromptu kumbaga. walang draft2 effect
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento