May
Pagka-Eba Si Adan...
Pero nakakasiguro ka bang tunay ang
pagkalalaki niya?
Malay natin, ang Adan na iyan ay may
Pagka-Eba pala.
Huwag tayong pakasisiguro sa nakikita
ng ating mga mata;
Dahil ang itsura’y nakapanlilinlang
talaga.
Ngunit kasalanan nga ba ang
magbalat-kayo sila?
LAlo na sa ating lipunang laging
pumupukol ng panghuhusga.
Oo! PANGHUHUSGA. Panghuhusga
na sadyang mapanira.
Eh ano ngayon kung lalaki rin ang
minamamahal niya?
Wala kang karapatan para pigilin
sila!
Dahil kaibigan, Mahal nila ang isa’t-isa.
At batid kong pag-ibig ang pundasyon
ng kanilang pagsasama.
Matanong lang, karapatan ang magmahal
diba?
Kaya ikaw, manahimik ka!
Tunay na mahirap ang kalagayan ni
Adan,
LAlo na kung iba ang kanyang
nararamdaman,
Yung feeling na hindi Eba ang kanyang
napupusuan.
Minsan, dahil sa wala silang
masumpungan,
Hayun, konting kalabit lang sa may
tagiliran,
Bumibigay na agad sa nag-iinit na
tawag ng laman.
(Wag kang mag react, dahil hindi ko
nilalahat kaibigan)
Sa kakisigan ng kanyang katawan,
nandun ang tunay niyang katauhan.
Hindi naman siya bakla, nasa gitna
lamang.
Sigurado akong hindi rin sya
naguguluhan, yun talaga ang kanyang nararamdan.
Kaya itong si Adan ay nagmahal din ng
kapwa Adan.
Habang itong si Eba ay nagtataka,
bakit ganun nalang ang kanyang kinahantungan.
Tila ba, unti-unti ng nauubos ang
tunAy na Kalalakihan.
Pinili na lang niyang magkubli sa
likod ng kanyang Hawla.
Ikinulong niya ang sarili, kahit wala
siyang sala.
Dahil alam niyang, masakit manghusga,
ang madla.
Pero sa tingin niyo, kelan siya
makakawala?
Kaya’t sana, huwag manghusga ng
basta-basta.
Lalo na kung itong si Adan ay wala
naming ginagawang masama.
Mapalad ka, Hindi ka isa sakanila.
Ikaw ay Malaya. Malayang-malaya.
Kung kaya’t ang masasabi ko lang
pala,
Ang karapatan niyo’y karapatan din
nila.
Hayaan na lang natin na sila’y
mamuhay din ng masaya.


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento