Hanapan ang Blog na Ito

Martes, Oktubre 25, 2011

Choice (Bisexual Short Film Trailer)

WAtch out for the new Short Film ....
here's the Trailer...





May Pagka-Eba Si Adan...

Hayun, gwapo, matipuno at mukhang perpekto... diba?
Pero nakakasiguro ka bang tunay ang pagkalalaki niya?
Malay natin, ang Adan na iyan ay may Pagka-Eba pala.
Huwag tayong pakasisiguro sa nakikita ng ating mga mata;
Dahil ang itsura’y         nakapanlilinlang talaga.

Ngunit kasalanan nga ba ang magbalat-kayo sila?
LAlo na sa ating lipunang laging pumupukol ng panghuhusga.
Oo! PANGHUHUSGA.  Panghuhusga  na sadyang mapanira.
Eh ano ngayon kung lalaki rin ang minamamahal niya?
Wala kang karapatan para pigilin sila!
Dahil kaibigan,  Mahal nila ang isa’t-isa.
At batid kong pag-ibig ang pundasyon ng kanilang pagsasama.
Matanong lang, karapatan ang magmahal diba?
Kaya ikaw, manahimik ka!
Tunay na mahirap ang kalagayan ni Adan,
LAlo na kung iba ang kanyang nararamdaman,
Yung feeling na hindi Eba ang kanyang napupusuan.
Minsan, dahil sa wala silang masumpungan,
Hayun, konting kalabit lang sa may tagiliran,
Bumibigay na agad sa nag-iinit na tawag ng laman.
(Wag kang mag react, dahil hindi ko nilalahat kaibigan)

Sa kakisigan ng kanyang katawan, nandun ang tunay niyang katauhan.
Hindi naman siya bakla, nasa gitna lamang.
Sigurado akong hindi rin sya naguguluhan, yun talaga ang kanyang nararamdan.
Kaya itong si Adan ay nagmahal din ng kapwa Adan.
Habang itong si Eba ay nagtataka, bakit ganun nalang ang kanyang kinahantungan.
Tila ba, unti-unti ng nauubos ang tunAy na Kalalakihan.

Dahil sa batid niyang hindi siya maiintindihan ng iba,
Pinili na lang niyang magkubli sa likod ng kanyang Hawla.
Ikinulong niya ang sarili, kahit wala siyang sala.
Dahil alam niyang, masakit manghusga, ang madla.
Pero sa tingin niyo, kelan siya makakawala?
Kaya’t sana, huwag manghusga ng basta-basta.
Lalo na kung itong si Adan ay wala naming ginagawang masama.

Mapalad ka, Hindi ka isa sakanila.
Ikaw ay Malaya. Malayang-malaya.
Kung kaya’t ang masasabi ko lang pala,
Ang karapatan niyo’y karapatan din nila.
Hayaan na lang natin na sila’y mamuhay din ng masaya.


Kilalanin mo ang kalaliman ng aking PAGKATAO


Striving alone and no-one else!
Whenever I noticed how lonely I was, I used to feel like crying, convulsing, and cradling myself back and forth. Such is not the case anymore. Recently I found myself rendered to tears. But like grabbing hold of a banister, right before falling down a flight of stairs, I caught myself, forcefully shifting gears from hopeless despondence to psychoanalysis. I realized that I was crying about past issues, past emotions, and basically situations that I shouldn't be concerning myself with in the present. I am also a traveler. But I never go places, because I travel through my wide imagination and creative mind. Whenever I know, and meet people, it’s a great fulfillment I’m learning a lot about them. I also discover things that are known to few, that’s why I think, being a good reader is like possessing the unsurpassed and inimitable power.
My name is JhOeMAR, a product of life's frustrating ordeals yet fulfilling ones. I'm a fighter at instinct. Nothing is extraordinary with me except my heart. I am emotionally disturbed. I don't know why, and don't ask me. I am a former blogger, revived due to my undeniable passion for writing but I’m not that inclined with reading. I had loved, been in love, and living to be loved. I have great interest in watching indie films, documentaries and movies that I can relate with. I’m dreaming of having my writings and compositions on film. I also do believe in karma. I’m a happy-go-lucky person, just give me some chocolates, chiffon cakes, barbeque and ice cream, then I’m ok. I dislike people who are so passive, feelers (mafeeling), selfish and self-centered.  I wanted to be a legend, perhaps in my own special and unusual way. Or if not, be remembered how my life is dealt in every sense I can. I have an intense desire and belief that few years from now, I can have my own book. I do hope that you are one of the people who will become my avid followers.
Knowing me better, I was born on March 21, 1995. I have my beautiful sister and a brother. I am the youngest among the three children. I think it is one of the most challenging roles that I have to attend in life. Challenging, in a sense that I have to obey whatever my older brother and sister wants me to do. It’s like being a nanny of them. I don’t have a close relationship with my parents. I always feel that they’re away, though they’re not. Ever since I was born, I never had the chance to tell them what my problems are, what are the things I want to have, what my ambitions are, what are my desires and the fears that I have inside. Envy is what I feel every time I see a family who’s having happy moments.
            During my elementary days, I’m an unswerving honor student. Every time that I tell them that I am one of the honor students, it seems like they don’t care. I tried to do my best to prove to them that I can be a child whom they can be proud of. Nevertheless, through my efforts and destitutions, I’m not appreciated. That’s why during my high school days, I’m just a typical high school student. I never aimed to be on the top ten, what matters most is that I’ll finish this degree of schooling because I always think that my labors won’t be appreciated. So, why should I study well if it would be just for nothing. But despite that discernment, I’m still on the ranking students. I graduated with flying colors. As usual, for my parents, it’s just nothing. Even though it hurts a lot, I have to accept it because it’s my principle that acceptance is the first step to have a magnificent life.
            I feel like I don’t belong to my family, I’m always rejected, neglected and unwelcomed. This is why I always make friends to every place I go. It’s because they’re the ones whom I mull over as my family. It makes me feel that I am loved, cared and protected. My personality at home is very poles apart from my personality outside our residence. I always smile and laugh with my friends. I never want to have any dull moment with them. It feels like they are my life-long companions. I often depict myself as the best friend that they could ever have, but also the greatest enemy that they will never wish to have.
Now, that I’m already a college student, I changed the way on how I look at studies. I realized that I must take this chapter of my life seriously. My English teacher once told me that if my parents’ does not appreciate me the way I wanted to be appreciated, just study seriously for my future. It’s not about them, but it’s already about me. She also told me to strive so that I will be able to reach and achieve my dreams and goals in life.
With the help of my friends, and of my sister, I will try my very best to grasp the future that I want to mold. My ambition is that, I want to become one of the most sought after and highest paid Newscaster in the whole wide universe. Abraham Maslow once said in his humanistic approach of psychology states: “each individual has great freedom in directing his or her future, a large capacity for achieving personal growth, a considerable amount of intrinsic worth, and enormous potential for self-fulfillment.” So I must have the best out of myself and out of everything, for me to realize my dreams and vision for the future. I will never let anyone or anything to bring me down. Coz I know that the only shield that I could have I to have a concrete and undying FAITH IN GOD.

Lunes, Hulyo 11, 2011

COLEGIO..... unang araw ko...

     I Like this quote I dislike this quote

“To be a freshman is to be in possession of a wonderful thing: time. There is time to figure out what you want to do with your life, time to figure out what classes you want to take, what books you want to read. There is time to make friends.



Sumakay ako sa jeep. Binaybay ko ang kahabaan ng kalsada mula sa bahay patungo sa napakalwak na lungsod ng Dagupan. Byahe pa lang, nakaka stress na.Didikit sa pagmumukha mo ang alikabok, usok at kung anu-ano pang polusyon na magme-make up sayo sa daan. Sa jeep naman! Ahy naku sobrang siksikan. Parang pati bubong eh gustong lagyan ng Langhiyang drayber. Halos magusto ang aking fashion statement. 


Pagdating ko sa aming school, para akong bulag na ngangapa sa dilim,. Di ko alam kung saan ako dadalhin ng aking paa. Sabi ko tuloy sa isip ko, ahy bahala na... Nahihirapan ako kasi wala akong kakilala. Nang makita ko si manong Guard dun ko napagpasyahang magtanong sakanya. Aysus! Sa kabilang bulding pala ang una kong klase. Graveee... Kelangan ko pang tumawid at maglakad ng super layo para lang makapasok sa first sabjek kong PSYCHOLOGY.  Tas hayun Inakyat ko ang 4th floor. Feeling ko, nagsilabasan na ang lahat ng aking mga ugat sa legs pati sa aking binti. Hmp Ang Sapatos ko naman, halos masira at maalis ang talampakan dahil sa bonggang mountain Climbing sa aming paaralan.
PAgpasok ko sa kwarto namin, hayun maraming bagong mukha akong nakita. May mukhang matapang, may mga mukhang mababait, may mga mukhang komikero at komikera. Meron din naman yung talagang mga simple lang. Well... Ganun talaga. New faces.. New attitudes, new pakikisama


Unang araw ko sa kolehiyo. Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko. Talagang kabado sa araw na ito. Para akong nauubusan ng mga salita sa twing kakausapin ako ng aking mga bagong nakakasalamuha. Pinilit kong i boost ang aking confidence. I tried and tried and tried,,, tas hayun. After a few moments, natutunan ko ring makipag usap sakanila. 


Para bang, kumbaga eh, back to Zero ulit. Yung tipong kelangan mo ulit mag invest ng trust sa mga kakaklse mong ito. Kasi naniniwala ako na, pag pina iral ko ang pagiging loner ko, sigurado ako, mabibigyan ako ng Kumikinang na Titulong BIGGEST LOSER. haha. Kidding aside, marami rin akong naging kaibigan sa unang araw ko sa bagong paarlang pinasukan ko. Kahit mejo nahihirapan mag adjust, naging madali na ito nang makilala ko ang tunay nilang pagkatao.


May komikero, may tahimik, pero pag bumanat sobrang nakaka kabag. Me mukhang studious, pero ewan ko lang hah. Atsaka andyan din yung mga talagang alam mong tunay... Tunay ang pagkatao. Pero hindi mo maalis ang isa pang uri ng pagkatunay. Yung mga taong tunay na PLASTIK. Well, ganun tlaga sa earth. Kahit mejo polluted sa room namin, in the sense that marami na ngang plastik eh ang sikip pa... Naging masaya naman.


Kaya heto ako, makikipaglaban na naman sa bagong CHALLENGE NI LIFE... Samahan niyo ako ha... Wag kayong bibitiw sa pagkaka-kapit sa akin, dahil sama-sama tayong iikot, gugulong,, at magpapadugo ng ilong haha....  


--- wala kasi akong magawa sa comp. lab eh. Sayang naman kung di ko magamit ang binayaran kong 1 thousand pesoses diba???? hahaha. Kaya hayun. parang impromptu kumbaga. walang draft2 effect

Biyernes, Hulyo 1, 2011

LOVE CYCLE

UmASa
MaSaktAn
BumAwI
UmASa Uli?
SusuBok
MabIbIgo
Mag-IinoM
iIyaK
maGmuMukMok
mANinIsI
MangANgako
MagbABaGo
TataKbo
MaPapAgod
BaBalik
aaSa
mAgBibigay
MasA2ktan
Mag-iiYak
Mag-iinom
NakaKASAWA NA BA?
Dahil Paulit-ulit,
Diba???

Kwarto: Ang aking Sanktwaryo

    Sa apat na sulok ng aking sanktwaryo, maraming bagay ang nagsisimula. Dito nag umpisa ang aking katauhan, katauhan na minsa'y hinahangaan at minsa'y kinasusuklaman. Dito sa aking kwarto, kung saan natuto akong maglabas ng sama ng loob ng walang nakakakita, tanging ang dingding, electric fan, cabinet at aking kama ang syang saksi sa aking mga kadramahan sa buhay. Pangalawa,Kiligin nang sagad hanggang sa buto dumarating yung point na sa twing umiibig ang aking tangang puso,Dito ako ngumingiti ng  walang hanggan. Diba, parang timang lang? Pangatlo, Umiyak para mawala ang lahat ng kalungkutan at kabiguan na syang nagbibigay sa aking mga mata ng masaganang luha, tumutulo ito para mawala ang bigat ng aking damdamin. PAng-apat, dito ko natutunan ang kapilyuhan. Sa twing kakagat ang dilim, at ako'y nag-iisa, maraming bagay ang pumapasok sa aking maruming isip na nagdudulot na utusan ang aking diwa para Gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dito ko rin natutunang tanggapin ang aking mga imperfections. Sa twing haharap ako sa salamin,may damit man o hubo't-hubad, nakikita ko ang aking repleksyon, repleksyon na hindi naman pangit, ngunit hindi rin gwapo. Yung tipong katamtaman at katanggap-tanggap sa lipunan.
    
    Ang aking kwarto ang syang aking dahilan kung bakit ako ganito. Dito ko nailalabas ang tunay na ako. Ako lang ang nakakita, ako lang ang nakakintindi at nakakaunawa.Alam ko naman na mahirap i-please ang lahat ng tao eh. Pangalawang mundo, kasunod ng paaralan. Ang privacy na ibinibigay nito ang pinaka-ugat kung bakit ko nagagawa at naiisip ang mga bagay-bagay na pumapasok sa aking magulong diwa.


    Dito ko naisasambulat at nailalahad ang aking mga nararamdaman. Dito ko naisusulat ang aking mga akdang minsa'y may kabuluhan, ngunit kadalasa'y "Wala lang."


    Sa Pagpasok mo sa blog na ito, parang napasok mo na rin ang aking kwarto, kaya ang maipambubungad ko, ay ang matamis kong ngiti, habang sinasabi ang mga katagang "WELCOME, TULOY PO KAYO."
    
    Tara, sabayan mo akong mangarap,mainspire, umibig, mag-aral at syempre matutong makipaglaban sa mga balakid sa buhay.Dagdagan natin ng kulay ang ating mundo. Samahan mo akong lumipad, lumipad sa kalawakan ng ating mga panag-inip at mga pangarap. Abutin natin ang mga bituin na ating hinahangad. Tuklasin natin ang nasa dulo ng bahaghari, at sabay nating halungkatin ang mga ginto na nakalagay dito.
tara, larga na!!!!